|
A mini intro for the June month for me. :))
At dahil June na ngayon.. Month of pasukan na :( AT AYOKO PA TALAGA..
Hmm, hindi na ako sobrang excited pumasok sa school ngayon. Hahahaha hindi tulad nung dati na halos lagi kong sinasabi “Matapos ka na summer, please. Excited na akong pumasok sa school.” Ewan ko ba kung bakit ganito. I enjoyed my summer vacation even though na sobraaaaang bitin pa talaga! :( Lalo na nung May month.. Hayy. I enjoyed my summer together with my tennis players. >:D< I had so much fun hanging out with them! Sa mga laughtrip moments, sa tuwing kakain kami sa may gotobest, sa kwentuhan namin everytime na breaktime, sa pagpalo-palo namin ng bola, pag may hahamon samin na ma-singles daw, sa mga secrets na na-share din nila sakin at sa mga sobrang happy moments pa na hindi ko na ma-describe. I will miss them so much!! :(
Pero hindi ibig sabihin na tapos na ang summer ay tapos na rin ang jamming namin. May mga weekends pa para maglaro tapos jamming again :D Thankyou din sa mga close friends ko na sina : chynn, ck, arleth, kayne, kurt, eunice, ca, megs & coach HAHAHA :)) At dahil June na nga ngayon, hindi pa talaga ako ready pumasok. Pero ready na mga gamit ko hahaha :P Feel ko, kaya ayaw ko pa pumasok ay ng dahil sa RESEARCH. Natatakot kasi ako :| Sa rejection or what. Pero syempre hindi dapat ganun kasi Naguenian ako, required talaga to samin. Pero ewan, minsan kasi napapagod din ako na halos lahat ako na lang nag-aasikaso pero tumutulong din naman sila. Tapos parang na-sstress ako na ewan. Hayy bahala na. Goodluck na lang sa group namin, sana maging successful ang senior life ko with research by our side hahaha! Pero oo, happy din ako na magpapasukan na kasi i get to see my friends again :) HAHAHA wala talagang sinabi about sa studies =)) Pero dahil last year ko na to sa science high school, susulit-sulitin ko na din. :))
#june 1 #please be good #help me GOD #iwmyteam
Happy & Embarassing moments with them. =))
I had an amazing afternoon with chynn, arleth, ckaii & coach. >:D< Sobrang saya ko na kasama ko sila kanina hahaha major laughtrip :)) Nung una, nagplano kami nila chynn na ma-jam na lang instead of laro ng tennis sa minor kasi umuulan. Pero when the rain stopped pouring, naglaro na lang kami hahaha! Nagpaturo na din kami ki coach na magserve. Nagagawa ko na din mag bend pag ma serve, yun bagang may sobrang force pero shot, hindi fault. Pero nung nag game kami ni kayne (hinamon niya kasi ulit ako mag singles for the 2nd time around) hindi ko na nagawa na mag bend when serving, i just did the natural way of how i serve. Yung parang oo, serve din, naka shot pero without the extreme force. Ewan ba, na-aawkward ako.
Then after the game, pumunta kami sa may lotus. Tumingin ng shoes. Tas plano nga naming “team” composed of me, arleth, ck & chynn, ay bumili ng shoes tas pararehas na design pero iba ibang color. :D Hindi ko alam kung kelan yan mangyayari lalo pa at wala akong pera ngayon $$$ :( Then pumasok kami sa may Mang inasal para kumain. Nakaupo na kami, tas pinalinis na din yung table dun sa waiter.. Tas bigla kaming nag decide na mag jollibee na lang =)) Shet, kahiya yun ah. Gumawa lang kami ng eksena HAHAHA pero i hope that they didn’t mind it much. :P So, yun. Sa jollibee na lang kami kumain, yun bagang 39-ers hahaha :)) Kami na gutom :P Then sobrang laughtrip na parang nagskandalo na kami dun HAHAHA! Kasi bumili sina kayne ng large fries, hindi ko alam kung para kanino, pero feel ko para ki coach. Tas syempre, hihingi din kami. Tas nung wala ng ketchup, bumaba pa si kayne para kumuha tas pagbalik niya,
Then, humiwalay na kami nila ck & chynn sa kanila kasi pumunta kami ng emall. Nagpa wof kami HAHA dun na din dumating si arleth. :D Yay! Kumpleto ang team >:D< Naglaro kami sa wof. Nung una, nahalata namin na binurublayan sila leth & chynn.. And ck & me don’t even know whyyyy they’re like that. Tas later on, sobrang tuwa na naman ulit namin HAHAHA nagsimula dun sa game na may itatapon kang ball sa screen para matamaan or ma hit yung aim. XD Grabe talaga tawa namin dun as in major =)) Tas pagtingin ko sa likod, andun si Kayne. I was shocked, really hahaha! Pero it’s okay. :D Jamming jamming din. :) Then naglaro kami ni ck nung barilan thingyy. Leche, wala akong alam sa ginagawa ko dun HAHAHA Then.. Kumanta kami HAHAHA dun sa live mismo. Me & ck sang “heaven” and “ikaw lamang” while arleth & chynn sang “she will be loved” and “akin ka na lang” ALAM KO ANG REASON KUNG BAKIT KINANTA NI BES YANG AKIN KA NA LANG. Yiii! HAHAHA :”>
So, yun. Kina-career talaga namin kumanta don. Tapos sabi ko ki leth, “bes, uwi na tayo. Hinahanap na ako samin” Tas nag last song muna sila ni chynn.. And guess what kung ano ang kinanta nila? “LISTEN”!!! Hahahaha i was soooo proud of them, really :D Di ko kaya kumanta ng ganun sa live performance thingyy wherein people will see you singing. Hahaha kina-career din nila, lalo na ni arleth HAHAHA woooo!! Halos nakatingin lahat sa kanila. Tas kami naman ni kayne, tawa lang ng tawa =)) Ang sakit lang sa tiyan HAHAHA tapos wow, naka 97 sila sa score!! Awesooome B) Tas pagbaba namin, linibre kami ni kayne ng cokefloat.. And that was so.. SHOCKING!! Really! Ang baiiiit niya, mygaaaaash :”) Pero di ko siya crush or what haha! Aww, siya na rich $$$ Then yun, we bid goodbyes na when we reached the exit part. So that means, kami ni bes ang magkasabay umuwi :D Nakasakay na kami sa jeep, hanggang sa nagtext yung mommy ni bes na magtaya daw sa lotto, so bumaba ulit kami HAHAHA nahawa ako, napataya na rin tuloy ako sa lotto =)) Di pa nga alam ni bes kung pano tumaya kaya tinuruan ko siya :P Then, sumakay na ulit kami sa jeep. Dun pa rin sa kung saan kami sumakay nung bumaba kami. Gets? HAHA martyr si kuya para hintayin kami. Hahahaha joke =)) When we reached ncf..
Tas yon, nakababa na kami and umuwi na. :D Home sweet home ♥ Sana maulit muli ang ganitong ka-awesome na jamming HAHAHA Ps.. Hindi ako nanalo sa lotto!!! <//3 Bitter ako, shet. Tara, bigti?! HAHAHA jke. =)) Kbye :P #THIS IS SO LONG #may 30 #awesomeday #SANA MAULIT MULI #i'll miss them :(
Alien bonding. :)
Me & brian planned to jog or do some exercise today. Actually siya nag alok tas nag-oo na din lang namana ko para makajam ko din siya tapos maka hagip na rin ng new updates =)) So, yun. 4am DAW kami magjjogging.. Kumusta naman yn at 5am na kami naka alis?! HAHAHA. Filipino time nga naman -.- He brought his bike for me to borrow hahaha! So he just walked & jogged, kagustuhan niya din naman. It was still so dark, but i can see the road pa naman haha! Then dumaan kami ng basilica kasi ang plano namin pupunta kami hanggang sports complex, pero di natupad. HAHA natagalan kami dun sa daanan papunta sa may “haunted house” man kuno. Creepy. Ang layo pa bago namin narating yung haunted house na yon and when i saw the house, omg.. Tara uwi!! HAHAHA nakakatakot talaga =))
Fail moments..
^ Okay, that is fail. SO FAIL. Extremely fail!!
Then sumabay na sakin pauwi si Brian kasi kinuha yung jacket niyang pinaiwan sa bahay namin. Sumabay na din si Mcdo. At first, it went awkward.. But later on, medyo awkward pa rin. Hahaha di na kasi kami tulad ng dati na sobrang madaldal sa isa’t isa. Things have changed.. Nakakamiss din si Mcdo ajuju Then yon, hinatid na rin ako pauwi. :D Home sweet home hahaha ♥ #may 29 #aliensiblings #i missed them both
Awesome jamming with coach, ck & kayne! :D
I had an awsm afternoon today :)) Jamming with coach alex, kayne & ckaii. Supposed to be, maglalaro ako by 1pm sa minor seminary kasi susulit-sulitin ko na talaga ang week na ‘to with my tennis mates.. Kasi naman magpapasukan na ulit!! :( Ayoko pa. I’m gonna miss them, BIG TIME!!
So ‘yon, nakabihis na ako tapos naghihintay na lang ako ng mga makaka jam. HAHA dapat kami lang ni ckaii ma jam, kaso sasama daw si kayne, tapos sabi ni ckaii nasa minor seminary daw si coach. So sabi ko, dadaan muna ako. Tapos yon, pati din si coach sasama na din samin hahaha! :)) 4 na kami :D I went to minor seminary by 3.30pm, the rain stopped pouring.. And hindi naman basa yung tennis court!! Naglaro sana ako <//3 I went there and andun na nga si coach tas may mga naglalaro din ng basketball. Tapos pinapunta ko na sila kayne and ckaii sa minor :D Then we went to sm by almost 5pm na. We ate @ Kfc nlng. Tapos si coach!! Tinuro sakin yung dati kong ktennis na yung lolang nag-steal ng cellphone namin ni erika. Ajuju. Memories.. Bad memories at ateneo main. April 28 yun nangyari tapos grabe iyak namin ni erika noon. HAHA eh sa sabay kami nawalan ng fone :(( Saklap much.. Anyway, past is sooo past.
Then after that, naglakad lakad kami sa taas. Tapos omgggg :”> Buti nga at dumaan kami sa may dun bagang puros computers or cellphones part. HAHAHA nakita namin si “jb” with his little brother. HAHAHA tapos medyo nakausap siyang madali ni coach. Kasi nagte-tennis din yun dati sa bmc, kasabay ko nung medyo bata pa kami. Tapos ngayon, di na kami close. Tapos ang gwapo niya :”“> HAHAHA kirs! =)) Then bigla akong tinuro ni coach tas sinabi na ako daw si ganyan ganyan na katennis niya noon. Tas nag hello siya and smile!!! :”> HAHAHAHA that made my day! De, joke lang.
Anyway.. Ckaii and me bid our goodbyes already to coach & kayne by 6pm. Kasi pupunta pa kaming Msh para bisitahin ng madali si Ramil na na-dengue -___- At first, it went awkward.. Then yun, it turned out to be okay. We found ourselves laughing for nonsense reasons HAHAHA that.is.so.WEIRD =)) Then me & ckaii went home by 7pm. :) #1st day of the lastwk #may 28
Course course course.. Hm, what to take?
Papa & Me.. Discussing certain matters regarding sa house if ipapa-renovate. Tapos napunta sa ibang topic..
Me: Yung pumunta ba dito kanina na nagsasalita or discuss about sa house, engineer or architect? Papa: Engineer. Civil engineer. Me: Mahal ata sweldo nun. Papa: Syempre naman. Umaabot din yun sa 1 million, depende kung nakokontrata ka na sa isang bagay. Me: Okay, alam ko na ang course ko for college.. Civil engineering =)) Papa: 5yr course yan. Me: Okay lang po hahaha ay wait.. Dapat ba matalino ka dyan sa Math? Papa: Oo syempre. Me: Okay, ayoko na. Hahanap ulit ako ng ibang course.. HAHAHAHA. Biglang natakot ang lola mo teh =)) Pero sinabihan naman ako ni papa na hindi naman daw masyadong mahirap na Math ang kailangan sa course na yan. Ang iniisip ko kasi, ipapasok ang trigonometric functions hahaha (or baka ipasok nga yan sa course nyan HAHA) Pero bahala na. May whole senior year pa ako para makapag isip kung anong gusto ko. Kasi as of now, gusto ko ang journalism or mascom na course. =) #may 28 #what to take in college #hmm #this is hard
Skl. =))
Mommy and Me..
Me: (Topic kasi namin ang about sa american idol tapos napunta kay philip phillips) Mommy, alam ko kung ano yang Phillips na yan. Mommy: Ano? Me: Bumbilya baga yan =)) Hahahaha! Awkward silence.. Me: Bakit pag nagjo-joke ako dito sa bahay walang tumatawa? <//3 Mommy: Ah. Joke ba yon? Me: -_________- K. Nonsense much hahaha! : )) #may 25 #ang baduy #HA HA HA
Tennis tournament @ Capitol :D
Sabay kami nila arleth & chynn na nagising by 4.30am kanina. :) Ang plano ko nga sana ay matutuloh ulit tapos gigising na lang ulit by 5am kaso di na ako inantok kaya nag asikaso na din ako. We went to the capitol by 6am, sharp. Aba, walang na late hahaha! :)) Hinatid kami ng dad ni arleth. Pagdating namin dun, shet ang aga naman namin =)) Eh sa wala ni isa samin ang nakakaalam kung what time ma start HAHAHA kaya okay lang yon, nag practice na din kami. Tapos dumating na din yung iba and yung attorney na makakapagpa start ng game. Coach alex decided to put me on the “advance” group. Yung hindi sa beginners. I’ve waited.. and waited.. and waited hanggang sa maging turn ko na para makapaglaro, it was me vs eunice. And guess what? NAGLARO KAMI BY 11AM. Potek na init, seryoso! In the afternoon, the other players and me, who were not playing by that time just watched every game that was set on the court. Di nga namin maiwasan na kami yung ma apektuhan everytime na nagne-net lang yung ball or kaya outside. HAHAHA :)) Especially when it was eunice vs nyrzel’s & jolo vs kyle’s turn to play. Ang tindi ng laro, boom! Someday, sana ganun din tira ko hahaha :)) Then nag awarding na after matapos lahat ng games, syempre. Tapos picture taking. :D Congrats sa mga nanalog ka tennis ko! \m/ Then sumabay na kami nila kurt, kayne, eunice, breaux, arleth & chynn sa pick up car nila tino. HAHA we stayed sa likod.. hoping that it won’t rain. But sadly, it rained.. REAL HARD! Ughh. Basang basa kami hahahaha pero we enjoyed our position at the back, it was fun, really. :) Then we all went to emall to hang out except tino & arleth, aww :( Libre ni kayne lahat na tokens namin sa wof!! Naglaro & kumanta kami hahahaha! Then we went to plaza to buy bulastog. Aw, i missed eating this!! Hehehehe ☺ Nung umuwi ako sa bahay, i was tired and really thirsty!! HAHAHA -___- Ps. Breaux, okay lang yan na wala tayong trophy. Atleast we did our best :) #may 19 #tennis tournament #11am #defeated but it's okay :)
Friends again. Hahaha! :))
Yung feeling na namiss ko si Megs. HAHAHA :)) Actually, miss ko na talaga siyang kausap. Kasi nga nag away kami noon. Ng dahil sa asdfghjkl >:)) Tapos minsan gusto ko na siyang kadaldalan or ka-singles sa pagtennis pero di ko magawa kasi ayoko siya kausapin kasi gusto kong magsorry siya sakin kesa naman ako ang magsorry na wala nga akong ginawang mali dun. Tapos kaninang nasa jeep, nagtext siya bigla ng sorry tas napa react pati ako ki arleth ng ”aww arleth! :D” tas pinabasa ko sa kanya yung text hahaha :)) Tas ngayon, friends na kami ulit. Hehehehe ☺ Ayoko din pati na may kaaway ako or what, di din pati ako nagagalit ng matagal. #may 17 #imissedmegs #buddiesagain
Below the belt..
Una sa lahat, nakakainis talaga to. Hyy tsk >.< Kasi nag doubles kami kanina sa tennis. Ck & Kane vs Me & Kurt. Masasabi ko na di pa man talaga sila sobrang magaling maglaro pero atleast may mga tira na din and nakakabalik na din naman sila ng bola. Tapos yun, naglalaro na kami. And then may ka tennis ako, itatago na lang natin sa pangalan na “someone” na kinaiinisan din ng iba ng dahil sa sobrang yabang niya tapos nakakainis talaga siya! Ang yabang! Ughhh >__< Si kurt na kasi ma serve ng ball, tapos biglang sumigaw si someone na “patal patalon!” Di pati ako, na caught na din yung attention ko dun. Sa isip ko was like “watdafuqq?! wala kang karapatan na sabihan siya ng ganyan kasi beginner pa lang siya!” Di, yon. Hinayaan ko muna. Tas bigla kong nakita si Kurt na binagsak niya racket niya tapos dumeretcho ki someone tapos parang hinahamon niya for something. Actually, hindi hamon yung word. Yung parang pinuntahan niya si someone kasi naliligaan na siya tapos ang yabang din naman talaga.
Tapos shet, ang awkward lang nung naglaro na ulit kami. Tapos sabi ko sa kanya “hayaan mo na lang siya, wag mo nang pansinin.” Kasi kahit yung isa ko din na katennis na babae, yun din sinusumbong sakin. Na ang yabang nya nga daw tapos nakakairita. Hindi ibig sabihin na magaling ka sa isang bagay, kailangan mo nang magyabang dito. Syempre dapat marunong and matuto ka din na respetuhin yung kakayanan nung iba, lalo na kung beginners pa lang. Saka if ever na hindi pa masyadong marunong, turuan. And kung wala kang masasabing maganda, manahimik ka na lang. Kesa man sa makakasakit ka lang ng kapwa mo sa sasabihin mo tapos away pa ang mangyayari..
Tapos kanina, otw home. Nagtext si someone na ”**** KA!” Nagreply ako, “Naano ka man?!” Tas na wrong send daw sya ganyan. Tas pinagsabihan ko din siya na mali yung ginawa niya, tapos wow. Siya pa may ganang magalit and mang away sakin. Di naman sana ako mabbv eh, hanggang sa sinabihan niya ako ng mga words na hindi ko talaga gusto tapos parang nakakaasar na sa part ko. Dun ako nainis. #may10 #magbago ka na please #nakakairita |
Leah Mae Priolo Padagas here. 15 years of age, born on the 11th of july 1996 @ riyadh, saudi arabia. I'm on my 3rd year of higschool. A naguenian & a part of the Valkyrinx batch <3 My blog is almost all about everything what i have in my mind that i want to share with you. :D Enjoy reading, thanks! ♥ home ask me archive themes |